BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Francis Magalona Latest Update

Good news to all the fans of the Master Rapper Francis M. 'coz he's now ready for discharge from the hospital after staying a long time at Medical City, Ortigas because of leukemia.

Inaasahan na nakalabas na ngayong Miyerkules sa ospital ang Master Rapper ng Pilipinas na si Francis “Kiko" Magalona na natuklasang may sakit na leukemia, ayon sa Chika Minute portion ng GMA news’ 24 Oras.

Sa text message na ipinadala ng asawa ni Francis na si Pia sa GMA News, sinabi nito na magkakaroon sila ng salo-salo sa ospital upang pasalamatan ang mga nag-alaga sa kanyang mister.

“He’s ready for discharge at hospital any time now…we’ll just celebrate with the nurses who took good care of him his entire stay," mensahe ni Pia.

Pinasalamatan niya ang lahat ng nagdasal at nagbigay ng suporta sa kanilang pamilya sa pinagdadaanang pagsubok.

Habang patuloy sa pagpapagaling si Kiko, ang mga kasamahan naman niya sa noontime show na “Eat Bulaga" ay naghahanda ng isang benefit concert para sa kanya sa Sabado sa Circu Timog, Quezon City.

May ilang linggo na rin na hindi pumapasok si Francis sa “EB" matapos nga na matuklasan ang kanyang sakit.

“Ang title namin ay “Dabarkads for Kiko." Dabarkads because syempre lahat kami nandoon..Kiko ginagawa namin to dabarkdas para syo ‘to…bumalik ka na dito nami-miss ka namin kiko," ayon kay Allan K.

Sinabi naman ni Pauleen Luna na nais nilang makatulong kahit papaano kay Francis kaya nila gagawin ang benefit concert.

“Pinlano talaga ng Eat Bulaga ito because we love Francis M very very much. And in our own little way sana makatulong kami," pahayag ng dalaga.

Bukod sa mga dabarkads ng “EB," inaasahan na dadalo rin sa concert ang ilang kaibigan ni Kiko at mga anak nito.